U.S. Truths

January 31st, 2010
Visited 218 times, 7 so far today


Kinain ko sa eroplano, masarap!


sa Rhode Island, napakalamig!


thanksgiving dinner namin sa princeton

Masarap talaga magbakasyon, sobrang sarap….pero para sa akin mas buo ang bakasyon kapag may pag-aaral din, yun ang pahinga sa akin, ang matuto ng ibang kaalaman na makakatulong sa ginagawa ko. Bawat taon lagi kung ginagawa ang pagpunta sa America para makita ko ang aking kapatid na si Edgardo.. di naman siya nakakauwi at ito rin ang oras na makapagdala ako ng mga pagkaing galing sa atin, tuyong danggit, pusit, ensaymada , ang polvoron ni Ate Cynthia at marami pang iba. Nalaman ko di kailangan ng napakadaming damit pagpupunta sa America kasi makakabili ka dun ng sandamukal.

Akala ko mas matatandaan ako ng aking mga guro kasi hinggit lang naman sa isang taon ako wala pero di sila sigurado kung sino ako….pero habang tumatagal ang panahon naiisip nila ako sa dami ba naming tinuturuan nila, pano nila ako makikilala….pag nasa Amerika ako, nalilimutan ko lahat ng mga problema dito sa Pilipinas, sobrang alaga ako duon sa Amerika. Pinagluluto ako ni Ate Myrla ang pinapasaya ni Joel, ang aking pamangkin na napaka talas at talino katulad ko…hahahah. Nakapagbakasyon din kami sa Boston nung Thanksgiving weekend, napaka ganda doon, iba din ang Newport, Rhode Island kung saan ang mga bahay ay sin laki ng mall ditto..makikita ninyo sa mga litrato.

Pero sa tatlong linggo na nanduon ako, ganito ang gawain ko. Napaka swerte ko nga eh, kasi sa tatlong kurso ng kinuha ko, lahat ay may dalawa o isang Pilipino na kasama ko….marami din di kanais nais na hindi naman gumagalaw…ako, para sa akin lahat gusto ko gawin kasi para sa akin din lahat ng ito….so ano nangyayari sa buhay ng isang panadero na kusinero din sa malamig na lugar katulad ng Manhattan New York….ang kapatid ko po ay nakatira mga di kumukulang na dalawang oras papunta sa Manhattan, mga alas singko ng umaga ako ay gising na at naliligo, dapat alas 6 ay nanduon na ako sa ibaba ng bahay ….alam ninyo napaka lamig minsan napapaisip ako kung bakit kailangan ko ito gawin, hehehe….pagkatapos ng isa’t kalahating oras e nasa Path Train Station po kami sa Journal Square, dun po kami nag paparada at kumukuha ng tren……tapos sa Ground Zero na katabi ng Path Train stop ay malalakad ako kasi ito na po ang ehersisyo ko….mga walong bloke po ang nilalakad ko, ang sarap maglakad kapag malamig, lakad lang ako ng lakad, tapos malapit sa FCI ay isang Starbucks at duon ako nag aalmusal at kape….mahal pero wala naman po akong magagawa…..siempre dollar pa rin po..papasok ako bago mag alas 8 kasi magbibihis pa ako at minsan napakadaming tao sa men’s locker, mabait naman po sila, at masaya, ang ganda ng mga kwentong kusina, iba’t ibang lahi, edad pero isa lang ang gusto gawin. Mga apat na oras po ng tuloy tuloy na baking at luto ako….masarap ang tanghalian, kung ano kasya sa plato, sige lang….may dalawang Pinay doon na ng pro class na taga Manila nagkwentuhan din kami… Tatlong linggong wala akong ginawa kundi gumawa ng tinapay para sa restaurant ng eskwela at siempre para din sa ibang klase, wala talagang sayang sa paaralan na ito. Nakakatuwa na pag may Pinoy, ramdam mo talaga agad sa paglakad ko sa Soho, o isang salesman o woman alam mo talaga…pero minsan yung iba ayaw ka tignan parang nahihiya, minsan nga sa paglalakad ko naririnig ko ang sariling wika natin, hehehe, basta may outlet o buffet restaurant maraming Pinoy, isa pa pala, sa simbahan….may Pilipino. Ang pinakamasarap talaga ay pag uwi ko na makita ko ulit ang Ate ko….na sinurpresa ko na bilhin ang bag na matagal na niyang gusto…tama na yun sa akin….Dito sa Amerika, natatandaan ko kung gaano kasaya si Mama at makita si Papa na nagmamadali umuwi pero nalulumbay ako kasi wala na sila…malungkot pero dapat pa rin ituloy ang buhay…di ba? Ang ganda ganda ng mga natatandaan ko sa Amerika kasama ang Mama at Papa ko….

Ang una ko sinulat sa blog na ito ay tungkol sa kung bakit ako naging kusinero…minsan talagang hinahanap ko lang sila….from Mechado to Mama’ s Favorita Tinapa Spread……I hope you enjoy making this as you remember the most important people in your life….

Mama’s Tinapa Spread
Ingredient:
¼ cup chopped onions
1 tsp calamansi juice
250 gms tinapang bangus flakes
½ tbsp Dijon mustard
½ tbsp capers, finely chopped
½ cup mayonnaise
1 cup all purpose cream
Procedure:
Put all ingredients in a blender. Puree for 3 minutes until of spreadable consistency, if it is too thick, add more cream. Don’t forget to season with salt and black pepper.
Note: this doesn’t last long- a week the most. Best to serve with sunflower crackers or melba toast, if you want to make it as a sandwich, go ahead…sarap…Make sure to use bangus since other fishes are not as tender and fine.

Bookmark at:
StumbleUpon | Digg | Del.icio.us | Dzone | Newsvine | Spurl | Simpy | Furl | Reddit | Yahoo! MyWeb

    4 Responses to “U.S. Truths”

    1. 1
      Mike Says:

      Where’s the rest of the article? Bitin!

    2. 2
      Twinkle Says:

      I love reading your blogs and your experiences. Parang nakikinig lang ako sa mga kwento mo Chef. Miss you and please continue in inspiring a lot of people because you are the best in what you do! =)

    3. 3
      Jomart Says:

      Bakit hindi mo ako binisita sa Boston ha.

    4. 4
      Biena Says:

      chef na,humble pa…very nice!!!God bless

    Leave a Reply